Entry: "Air" Force, salvagins Jan 30, 2007



 

(Bulgar newspaper, 31january issue


Bistado—31jan7



head:"AIR" FORCE


AYON kay Sen. Ed Angara, hindi raw THIRD FORCE ang kanilang binubuo kundi MIDDLE FORCE.

Oh, baka naman iyan ay maging”AIR” FORCE.

Puro hangin lang!


-----$$$---

INAMIN ng AFP na sangkot sa pamamaslang ang kanilang mga SUNDALO.

Yung kasi ang MISMONG TRABAHO nila—ang pumatay!


----$$$--

TINANGGIHAN ni Rep. Raffy Biazon ang endorso ng Liberal Party na kumandidato bilang SENADOR.

Tama ang kanyang KUTOB—matatalo lang siya!


----$$$---

NAG-FILE na ng certificate of candidacy si Rep. Chiz Escudero bilang senador.

Sey, chizzzzzz!


-----$$---

IKINALUNGKOT ni Susan Roces ang pagkawatak-watak ng oposisyon.

Este, Ma'm, normal lang po yan!
Magtaka po kayo, kapag NAGKASUNDO ang mga yan!


------$$$---

HINIYA ng Sandiganbayan si Double A.

Hindi po si Arnold Clavio, kundi si Atong Ang.


----$$---

INATAKE ng “malaria” si Col. Ariel Querubin.

Oh, ano pa ang ginagawa ninyo, BIGYAN NINYO NG KULAMBO!


----$$---

KONTRA daw sa POLITICAL DYNASTY ang CBCP.

Nakuppp, LIPAS nang isyu yan!


----$$---

APRUB na sa Kongreso ang P1 trilyong badyet.

Sangrekwa ang mananakaw ng mga DEMONYO.


----$$---

WALA raw account sa Swiss bank si FG Mike.

Siyempre, iyan din mismo ang KATWIRAN ng Pamilya Marcos at mismo ni ex-DOJ Sec. Nani Perez.

Ano naman ang NAPATUNAYAN matapos silang MAWALA sa Malacanang.

Kayo ang humusga!


-----$$$---

IBIG sabihin po kasi ng HIDDEN WEALTH-- ay NAKATAGO.

Kung nakatago, PAANO NINYO MAKIKITA?

Sintido-kumon, di ba?


----$$$---

HINAHANAPAN ng ebidensiya si Rep. Peter Cayetano sa ibunyag niyang SECRET ACCOUNT ni FG Mike.

Eh, SECRET nga. Kapag ibinigay niya ang EBIDENSIYA—eh, di, hindi na SECRET.


----$$$--

Oh, e, di PERJURY o PAGSISINUNGALING pa ang kaso niya---kasi nga ay HINDI NA SECRET ang kanyang IBINUBUNYAG.

Nakakalito ano po?
Iyan mismo ang MODUS-OPERANDI ng mga magnanakaw.

Malito ang mga tsismoso't tsismosa.


-----30---


EDITORIAL


head: Patay kang bata ka


IBINUNYAG ng Melo Commission na karaniwang sa kaso ng mga hindi nareresolbang pagpatay ay kagagawan mismo ng mga militar at pulisya.

Dapat nang aksiyunan ito ng gobyerno.

Pero ang problema, mayroon naman kayang maglakas-loob na tumestigo sa kaso ng mga “unsolved crimes” tulad ng SALVAGINGS.

Siyempre, natatakot mismo ang potential witness na siya mismo ay ma-SALVAGED at mismong hindi rin maresolba ang “pagpatay” sa pobreng testigo.

May kalutasan ba ang ganyang sitwasyon?

Mahirap sagutin yan.

Kasi'y naman ay dapat na ibunyag din ng Melo Commission kung may kinalaman ba sa IDEOLOHIYA ang serye ng mga pagpatay o kaya'y simpleng kaso ito ng grabeng kriminalidad.

Magkaiba ang pagpatay sanhi ng “ideolohiya” at sanhi ng “krimen”.

Ang pagpatay na sanhi ng krimen sa lansangan—ay mareresolba sa pagbabantay o proseso sa hudikatura at maaaring may limitasyon ito batay sa taktika o sistema ng mga awtoridad.

Pero, mahihirapan din ang mga awtoridad—kung mismong AWTORIDAD din tulad ng sundalo ang pulis ang mga suspect.

Sa kaso ng mga pagpatay sa “ngalan” ng ideolohiya tulad ng mga biktima sa away ng AFP at CPP-NPA, wala itong katapusan.

Ang ideolohiya kasi ay dinidilig talaga ng dugo, habang dumarami ang nagiging martir sa “ideolohiya” nilang ipinakikipaglaban—yumayabong lalong ang kaguluhan.

Maihahanay sa “ideological war” ang AFP- MILF war sa Mindanao kaya't walang solusyon dito kundi ang negosasyon.

Iyan din ang nais palabasin ng Abu Sayyaf, pero itinuturing silang TERORISTA batay sa dikta ng United States—kaya't natriple ang kanilang “motibo” sa panggugulo: Magkaroon ng “sariling Republika”, kontrahin ang “US” at mangdambong nga “ransom”.

Pero, sa ngayon, ay dapat munang PAGTUUNAN ng gobyerno ay kung paano mareresolba ang kaso ng mga PAGPATAY sanhi ng eleksiyon—bago MAUBOS ang mga lider ng administrasyon at oposisyon!

------30---


   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments