|
(Bulgar newspaper, january 11 issue)
NAGPAPALAKAS ng military armaments ang Japan sa pagbuo ng Defense Ministry. Kinumpirma na mamamakyaw at mag-iimbak ang Japan ng mga nuclear-powered military hardware upang gamitin sakaling magkainitan nang todo ang kahanggang North Korea at US. May ulat kasi na muling magnu-nuclear bomb test ang North Korea sa kabila ng banta ng US at United Nations. Hindi masisisi ang North Korea na magpalakas ng armas kasi naman ay sobrang sama ng ugali ng US kung saan nananakop ito ng ibang bansa na ayaw sumunod sa kanilang kapritso. Kung mayroon kasing nuclear bomb si Saddam Hussein, walang duda na hindi ito gigiyerahin ng mga Kano. Pero, nagsisilbing live bomb ang mga human living na nagkukusa na umaktong suicide bombers kung saan napatay na nila ang may 3, 013 US troops sa loob ng Baghdad higit sa natepok na 2, 900 sa pagguho ng World Trade Center gamit din ang suicide bombers na nagmaniobra ng dalawang passenger airplane. Ang pagpapalakas ng armas ng isang bansa—ay karapatan ng kanilang gobyerno kasi'y isang banal na karapatan ng isang teritoryo at isang nilalang na IDEPENSA at ipakipaglaban ang kanilang buhay at soberaniya. Iyan din mismo ang prinsipyo ng Iran sa pagpapaunlad ng kanilang nuclear technology na kailangan din naman nila sa KAUNLARAN ng kanilang bansa. Nakapagtatakang kinakampihan ng United Nations ang Kano—at ayaw proteksiyunan ang MALILIIT NA BANSA mula sa kuko ng mga world powers. Napakalinaw na ang UN ay naglilingkod sa mga world power at hindi sa mayorya ng mga miyembro nito na pawang mga mahihirap na bansa. Sa Pilipinas, hindi natin kailangang palakasin ang ating war armaments. Kasi'y hindi naman tayo SASAKUPIN NG US—matagal na kasi tayong NASAKOP at wala naman tayong SOBERANIYA na pinangangalagaan. Ebidensiya dito ay ang kawalang-silbi ng ating Konstitusyon na hindi ipinatutupad ng mga may kontrol sa gobyerno. ------30--- |
| Leave a Comment: |