|
(Bulgar newspaper, january 11 issue) PINTAS ang nakamit ng Pilipinas mula sa pagiging HOST NG ASEAN SUMMIT. Hindi sulit ang multi-bilyong pisong nilustay dito. -----$$$-- NAGSABONG sa Pasay City cockpit si Manny Pacquiao matapos umalis sa Cardinal Santos Hospital. Talagang sugarol. -----$$$--- ISANG US soldier ang nakauwi sa New Jersey nang ligtas. Pero, nang pauwi na siya sa kanilang bahay—ay bigla siyang natumbok ng isang kotse. Tumilapon siya sa gilid pero muling nahagip ng isa pang behikulo kung saan natangay siya nang may kalahating kilometro. Oooops salamat sa Diyos, buhay siya pero kritikal. Suwerte-suwerte lang ang “BUHAY”. -----$$--- DINEDMA ni Sen. Jinggoy ang pagkakasibak bilang pangulo ng Basketball Association of the Philippines (BAP). Pumalag siya. Diyan na matatapos ang ISTORYA NG BAP. -----$$$--- DUMALO si Ate Glo sa necrological service sa yumaong Philippine Star publisher na si Max Soliven na mahigit ISANG BUWAN nang namatay noon pang Nobyembre. Halos 40-araw nang “nakaburol” ang kanyang ABO. Iyan ang mainam sa “cremation”--puwede kahit gaano katagal ang “necrological service”--basta't HUWAG LANG ITATAPAT SA ELECTRIC FAN ang lalagyan ng abo. Baka kasi malunok ng mga politikong nagtatalumpati kapag nalipad ng hangin. -----$$$-- NAG-RESIGN na si Tony Boy Cojuangco bilang chairman ng PLDT. Kaya pala nag-balik showbiz na si Mareng Gretchen. ----$$$-- TUMODO na sa P48.66 ang palitan kada dolyar. Nakikiramay po tayo sa mga OFWs na NABAWASAN nang malaki sa kanilang KITA. -----$$$-- HINDI masawata ng mga awtoridad sa Vietnam ang pananaklot ng BIRD FLU. Huhhh, delikado ang Palawan na nasa kabilang PAMPANG lamang ng dagat. Isang mahabang lipad lang ito ng mga INFECTED WILD DUCKS. -----$$$-- NAGPAPALAKAS na rin ng WAR ARMAMENTS ang Japan. Aktuwal na preparasyon ito sa World War III. -----$$$--- KAKAUNTI na lang daw ang bilang ng mga sanggol ang ipinapanganak sa Pilipinas. Baka AYAW NANG MAG-ASAWA ng mga binata at dalaga. Naniniwala kasi sila na ang “sanggol” ay isang PROBLEMA. Lintekkkkkkk! ----30--- |
| Leave a Comment: |