MEGA-ENGRANDE ang pabinyag ni Manny Pacquiao sa kanyang “prinsesa”.
Ingat kayo, baka MAKIDNAP yan.
----$$$--
NIREGALUHAN ni Pacman ang kanyang NANAY ng isang KOTSE.
Kotse na binawi sa kanyang misis.
-------$$$---
BUMALIKTAD na naman si Ate Glo.
Taliwas sa kanyang PANGAKO, tuloy na naman ang ChaCha.
-----$$$--
BUBUKSAN daw ang Malacanang sa publiko.
Para daw makapanood NANG LIBRE ang mga tao sa “CIRCUS” sa Maharlika Hall.
Mapapanood dito kung paano “MAGBALI-BALIKTAD” si Ate Glo.
-----$$$---
BALIK-SA-OSPITAL si Gaudencio Cardinal Rosales matapos ang SERMON sa Prayer Rally sa Luneta.
Hindi niya AKALAIN nagoyo rin siya.
Kakaunti lang pala ang mga SUPPORTERS ng kanyang mga politikong bishops.
----$$$--
BUBUHAYIN ang People's Initiative sa Enero.
Maglalagay ng BOOTHS ang Comelec sa bawat barangay para sa pagkuha ng milyon-milyong SIGNATURES.
At pamimigay ng BIGAS?
----$$$---
KUMUNSULTA sa “PHYCHICS” na ang Philippine National Police (PNP) upang matukoy kung sino ang bumaril at pumatay sa mag-amang GOVERNMENT PROSECUTORS sa Paranaque City.
May bagong “raket” ang mga MANGHUHULA.
-----$$---
HOPELESSNESS ang ipinahihiwatig ng pagkuha ng PNP sa mga psychics.
Hindi sila nalalayo sa na-DISBAR na Judge na kumukonsulta naman sa mga DUWENDE.
-----$$$---
SA totoo lang, umaapela ang “naturang judge” dahil hindi naman daw masama ang kumunsulta sa mga DUWENDE.
Kasi'y daw ay aktuwal taong nasa ilalim ng kontrol ng ISANG DUWENDE.
-----$$--
NAGALIT ang Korte Suprema sa naturang judge kaya't pinatalsik daw ito kasi'y masamang impluwensiya daw ang “paniniwala sa mga duwende”.
Hindi kaya ibinatay nila ang desisyon batay sa payo ng mga “TIKBALANG”?
-----$$$---
IMBES na bawasan, dodoblehin pa ang DAMI ng US troops sa Iraq.
Nakupp, darami pa ang TATARGETIN ng mga Iraqi insurgents.
----30---
editorial
head:
MALOLOKA si Lola Madyenta!
Isipin mong nagsirko-sirko na naman si Ate Glo.
Taliwas na taliwas bago mag-Prayer Rally ang mga Catholic bishops sa Luneta, binigyan-diin naman ngayon ni Ate Glo tuloy na tuloy na tuloy ang Charter Change.
May ulat na nakikipagkutsaba pa ngayon ang Comelec para makapagtayo ng “signatures booth” ang SIGAW at ULAP para sa pagbuhay ng ikalawang People's Initiative.
Nabunyag din na awtomatikong kukunin sa archieves ang Con-Ass resolution kasi'y itinuturing itong “incomplete” at hindi kasama sa sinasabing nakalibing nang panukalang batas.
Napakalinaw na garapalang panloloko ito.
Anong klase ng agimat, bertud o “powers” mayroon si Ate Glo --“walang kahiya-hiya” siya nagsisirko-sirko sa gitna ng Kapaskuhan?
Ito kaya ay dahil natitiyak niyang nasa likod niya ang buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dedma lang siya sa resulta ng mga survey na 20 porsiyento na lamang ng populasyon ang may “tiwala” sa kanya.
Scientifically, mathematically o geometrically speaking, siyempre 80 PORSIYENTO rin ng opisyal at enlisted personnel sa AFP—ay wala na ring tiwala sa kanya.
Sintido-kumon yan-- na ayaw niyang paniwalaan.
Ayaw niyang paniwalaan na nag-aantay lang ng tayming ang mga nag-aalbururong damdamin ng mga “maka-Konstitusyon” na sundalo!
Sa totoo lang, ang sobrang tiwala ni Pareng Erap at dating Pangulong Marcos na “loyal” sa kanila ang AFP—ang siyang NAGPABAGSAK sa kanila sa poder.
Huwag nang pag-usapan yan o huwag nang pagdebatehan ang loyalty ng mga sundalo kay Ate Glo—dahil masalimuot yan.
Eto ang napakahalagang tanong: Siyento-porsiyento ba na ang mga sundalo ay LOYAL kay AFP Chief Hermogenes Esperon na isang “Hello Garci general”?
Kailangang masagot yan, bago gunawin ng puwersa ni Amaya ang Antartika!
------30----