BISTADO






cybertimes
Philippines
   

<< October 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Oct 1, 2009
hello

hello, it is I!!

Posted at 04:37 pm by cybertimes
Make a comment  

Jun 30, 2008
reincarnation

 

Musta na uli. sensiya na. hindi ako nakapagpost sa matagal na panahon pero plano ko na buhayin ito muli.

Ingat po, salamat!!

 

Posted at 05:47 pm by cybertimes
Make a comment  

May 24, 2007
Bistado Weekly ilalabas na

MUSTA na po, matagal akong nagbakasyon. Pero ngayon, promise regular na akong magpo-post.

Inaayos ko kasi ang Bistado Weekly Newspaper na ilalabas ko before the end of this month. Gagamitin ko kasi ang blog na ito upang madaling makaabot sa mga tao ang mensahe at madali ring makapagbigay ng reaction, comments, suggestions at iba pa ang ating mga tagasubaybay.

Magiging regular na bahagi ang blog na ito ng Bistado Weekly Newspaper.

Sali kayo ha?

Salamat po!!!

Posted at 07:39 pm by cybertimes
Make a comment  

Jan 30, 2007
"Air" Force, salvagins

 

(Bulgar newspaper, 31january issue


Bistado—31jan7



head:"AIR" FORCE


AYON kay Sen. Ed Angara, hindi raw THIRD FORCE ang kanilang binubuo kundi MIDDLE FORCE.

Oh, baka naman iyan ay maging”AIR” FORCE.

Puro hangin lang!


-----$$$---

INAMIN ng AFP na sangkot sa pamamaslang ang kanilang mga SUNDALO.

Yung kasi ang MISMONG TRABAHO nila—ang pumatay!


----$$$--

TINANGGIHAN ni Rep. Raffy Biazon ang endorso ng Liberal Party na kumandidato bilang SENADOR.

Tama ang kanyang KUTOB—matatalo lang siya!


----$$$---

NAG-FILE na ng certificate of candidacy si Rep. Chiz Escudero bilang senador.

Sey, chizzzzzz!


-----$$---

IKINALUNGKOT ni Susan Roces ang pagkawatak-watak ng oposisyon.

Este, Ma'm, normal lang po yan!
Magtaka po kayo, kapag NAGKASUNDO ang mga yan!


------$$$---

HINIYA ng Sandiganbayan si Double A.

Hindi po si Arnold Clavio, kundi si Atong Ang.


----$$---

INATAKE ng “malaria” si Col. Ariel Querubin.

Oh, ano pa ang ginagawa ninyo, BIGYAN NINYO NG KULAMBO!


----$$---

KONTRA daw sa POLITICAL DYNASTY ang CBCP.

Nakuppp, LIPAS nang isyu yan!


----$$---

APRUB na sa Kongreso ang P1 trilyong badyet.

Sangrekwa ang mananakaw ng mga DEMONYO.


----$$---

WALA raw account sa Swiss bank si FG Mike.

Siyempre, iyan din mismo ang KATWIRAN ng Pamilya Marcos at mismo ni ex-DOJ Sec. Nani Perez.

Ano naman ang NAPATUNAYAN matapos silang MAWALA sa Malacanang.

Kayo ang humusga!


-----$$$---

IBIG sabihin po kasi ng HIDDEN WEALTH-- ay NAKATAGO.

Kung nakatago, PAANO NINYO MAKIKITA?

Sintido-kumon, di ba?


----$$$---

HINAHANAPAN ng ebidensiya si Rep. Peter Cayetano sa ibunyag niyang SECRET ACCOUNT ni FG Mike.

Eh, SECRET nga. Kapag ibinigay niya ang EBIDENSIYA—eh, di, hindi na SECRET.


----$$$--

Oh, e, di PERJURY o PAGSISINUNGALING pa ang kaso niya---kasi nga ay HINDI NA SECRET ang kanyang IBINUBUNYAG.

Nakakalito ano po?
Iyan mismo ang MODUS-OPERANDI ng mga magnanakaw.

Malito ang mga tsismoso't tsismosa.


-----30---


EDITORIAL


head: Patay kang bata ka


IBINUNYAG ng Melo Commission na karaniwang sa kaso ng mga hindi nareresolbang pagpatay ay kagagawan mismo ng mga militar at pulisya.

Dapat nang aksiyunan ito ng gobyerno.

Pero ang problema, mayroon naman kayang maglakas-loob na tumestigo sa kaso ng mga “unsolved crimes” tulad ng SALVAGINGS.

Siyempre, natatakot mismo ang potential witness na siya mismo ay ma-SALVAGED at mismong hindi rin maresolba ang “pagpatay” sa pobreng testigo.

May kalutasan ba ang ganyang sitwasyon?

Mahirap sagutin yan.

Kasi'y naman ay dapat na ibunyag din ng Melo Commission kung may kinalaman ba sa IDEOLOHIYA ang serye ng mga pagpatay o kaya'y simpleng kaso ito ng grabeng kriminalidad.

Magkaiba ang pagpatay sanhi ng “ideolohiya” at sanhi ng “krimen”.

Ang pagpatay na sanhi ng krimen sa lansangan—ay mareresolba sa pagbabantay o proseso sa hudikatura at maaaring may limitasyon ito batay sa taktika o sistema ng mga awtoridad.

Pero, mahihirapan din ang mga awtoridad—kung mismong AWTORIDAD din tulad ng sundalo ang pulis ang mga suspect.

Sa kaso ng mga pagpatay sa “ngalan” ng ideolohiya tulad ng mga biktima sa away ng AFP at CPP-NPA, wala itong katapusan.

Ang ideolohiya kasi ay dinidilig talaga ng dugo, habang dumarami ang nagiging martir sa “ideolohiya” nilang ipinakikipaglaban—yumayabong lalong ang kaguluhan.

Maihahanay sa “ideological war” ang AFP- MILF war sa Mindanao kaya't walang solusyon dito kundi ang negosasyon.

Iyan din ang nais palabasin ng Abu Sayyaf, pero itinuturing silang TERORISTA batay sa dikta ng United States—kaya't natriple ang kanilang “motibo” sa panggugulo: Magkaroon ng “sariling Republika”, kontrahin ang “US” at mangdambong nga “ransom”.

Pero, sa ngayon, ay dapat munang PAGTUUNAN ng gobyerno ay kung paano mareresolba ang kaso ng mga PAGPATAY sanhi ng eleksiyon—bago MAUBOS ang mga lider ng administrasyon at oposisyon!

------30---


Posted at 03:23 pm by cybertimes
Make a comment  

Jan 22, 2007
Palpak na korona

(Bulgar newspaper, january 23 issue) 

 

SIRA ang kukote ng mga may kontrol sa gobyerno.

Isipin mong kinokontra ng mga kolokoy ang pagtaas ng suweldo ng mga obrero.

Sa aktuwal, ang suweldo ng mga manggagawa ay sumisimbolo sa kanilang “pagkatao” o antas ng kamalayan.

Isa itong “korona” o “tropeo” ng mga anak-pawis!

Kapag malaki ang suweldo, di ba't status symbol ito at nagdagdag ng personalidad sa isang empleado?

Pero kapag maliit ang suweldo ng ordinaryong nilalang, nangangahulugan ito na maliit din ang pagtingin ng gobyerno o mismong employer sa “pagkatao” ng kanilang ng tauhan.

Sa simpleng pagbasa, nakaka-demoralized sa labor force ang katiting na suweldo.

Sa management cycle, isang aspekto lamang ng factors of production ang labor force—kasama dito ang kapital, land (resources) at management.

Pantay-pantay o patas-patas dapat ang level ng mga naturang antas upang maging normal ang produksiyon.

Pero, kapag sobrang liit ng suweldo, hindi nagiging balanse ang produksiyon.

At kapag palpak ang produksiyon, walang kalidad ang trabaho—walang kalidad ang produkto, walang kalidad ang serbisyo.

Kapag substandard ang produkto at palpak ang serbisyo—walang duda na hindi uunlad ang negosyo at BABAGSAK din ang mismong kompanya at sa kabuuan, ang EKONOMIYA NG BANSA.

Taliwas ito sa katwiran ng mga kumokontra sa PAGTAAS ng suweldo na ipinagpipilitan na MAGSASARADO ang maraming kompanya.

Mali naman kasi ang “termino” ng “TAAS NA SUWELDO”--ang mas angkop dito ay “SAPAT NA SUWELDO SA OBRERO”.

Kung papalitan ang “terminong taas” ng “katagang SAPAT”--madaling maunawaan na ang P125 na dagdag suweldo—ay sa totoo lang, HINDI PA SAPAT--- pero pagtitiyagaan na ng mga obrero.

Ibig sabihin, papunta pa lamang upang maging SAPAT ang P125 increase sa pangangailangan ng mga manggagawa.

Nais kasing PALITAWIN ng gobyerno mismo na SOBRA ang P125 increase—gayong kapos pa nga ito sa pagiging SAPAT.

Anong klase ng produkto o serbisyo ang mabubuo kapag laging ABSENT o MAY SAKIT ang mga obrero?

Hindi ba't babagsak din ang kompanya?

Isipin ninyong mabuti yan—patas ang ganyang pananaw, at walang kinikilingan—labor o management man!

------30---


Posted at 11:03 am by cybertimes
Make a comment  

Si Raul, si Raul

 (Bulgar newspaper, jan. 23 issue)

NAMATAY sa isang car accident ang anak ni ex-Gov. Obet Pagdanganan ng Bulacan na si Raymond Pagdanganan, kumandidatong bise gobernador sa huling eleksiyon.

Nakikiramay po tayo!


----$$$---

NAHAHATI na ang mamamayan ng Iloilo.

Dahil sa SOBRANG pamumulitika ng PNP, DILG at Ombudsman.


----$$$---

BUNTIS na si Nene Tamayo ng Pinoy Big Brother.

Huhhh, wala po akong KINALAMAN dito.


----$$$---

NANGANAK na ang aktres na si Aleck Bovick.

Ooops, buti tinablan pa siya!


----$$$---

TSISMIS na rin lang ang pinag-uusapan, ituloy natin.

Isang ABS-CBN starlet ang “ALAGA” ngayon ng isang populist na NEGOSYANTE.

Morena ang babae na lalong gumanda nang gumanda nang MADIKIT sa PILANTROPO.

Kilala kaya siya ni Mareng Cristy Fermin?


-----$$$---

PINAGTAWANAN ni ex-Manila Rep. Mark Jimenez nang itaas ni Sen. Jinggoy ang kamay ni Sen. Ping Lacson.

Kasi raw ay isang “suspected plunderer” ang NAGTAAS ng kamay ng isang “suspected murderer”.

ONLI-IN-DA-PILIPINS.


-----$$$---

NAGTATAKA si MJ kung bakit hindi nahe-HEADLINE ang kanyang pamimigay ng 65,000 pakete ng Pampanga's tocino with matching Holy Rosary nang mamiyesta siya Sto Nino Festival sa Tondo noong Sabado at Linggo.

Isipin mong umabot ito sa P3.9 milyon!

Mas prayoridad daw ng mga diyaryo ang PAGBALIKTAD ng grupo ni Sen. Ralph Recto kaysa sa makadiyos at makataong aktibidad kaugnay ng PAGSAMBA sa Diyos.


-----$$$---

HINDI lang ang mahihirap na tao ang dumudumog kay Jimenez kundi pati mga kilalang politiko.

Naggigitgitan ang mga loko sa paghingi ng BENDISYON—at SOBRE!


------$$$----

HINDI naniniwala ang magulang at mga kapatid ni Khadffy Janjalani na napatay na ang kanilang BUNSO.

Antayin na lang ninyo na MAGMULTO.


----$$$---

ISINISISI kay INJUSTICE Sec. Raul Gonzalez ang kaguluhan sa Kapitolyo ng Iloilo.

Kasi naman ay tipikal siyang SI RAUL, SI RAUL! SI RAUL!


----$$$---

DARATING sa Maynila ang isang TOP ADVISER ni US Prez George Bush.

Para mag-ADVISE din kay Ate Glo.


Posted at 11:02 am by cybertimes
Make a comment  

Jan 10, 2007
Konstitusyon inutil

 (Bulgar newspaper, january 11 issue)

 

NAGPAPALAKAS ng military armaments ang Japan sa pagbuo ng Defense Ministry.

Kinumpirma na mamamakyaw at mag-iimbak ang Japan ng mga nuclear-powered military hardware upang gamitin sakaling magkainitan nang todo ang kahanggang North Korea at US.

May ulat kasi na muling magnu-nuclear bomb test ang North Korea sa kabila ng banta ng US at United Nations.

Hindi masisisi ang North Korea na magpalakas ng armas kasi naman ay sobrang sama ng ugali ng US kung saan nananakop ito ng ibang bansa na ayaw sumunod sa kanilang kapritso.

Kung mayroon kasing nuclear bomb si Saddam Hussein, walang duda na hindi ito gigiyerahin ng mga Kano.

Pero, nagsisilbing live bomb ang mga human living na nagkukusa na umaktong suicide bombers kung saan napatay na nila ang may 3, 013 US troops sa loob ng Baghdad higit sa natepok na 2, 900 sa pagguho ng World Trade Center gamit din ang suicide bombers na nagmaniobra ng dalawang passenger airplane.

Ang pagpapalakas ng armas ng isang bansa—ay karapatan ng kanilang gobyerno kasi'y isang banal na karapatan ng isang teritoryo at isang nilalang na IDEPENSA at ipakipaglaban ang kanilang buhay at soberaniya.

Iyan din mismo ang prinsipyo ng Iran sa pagpapaunlad ng kanilang nuclear technology na kailangan din naman nila sa KAUNLARAN ng kanilang bansa.

Nakapagtatakang kinakampihan ng United Nations ang Kano—at ayaw proteksiyunan ang MALILIIT NA BANSA mula sa kuko ng mga world powers.

Napakalinaw na ang UN ay naglilingkod sa mga world power at hindi sa mayorya ng mga miyembro nito na pawang mga mahihirap na bansa.

Sa Pilipinas, hindi natin kailangang palakasin ang ating war armaments.

Kasi'y hindi naman tayo SASAKUPIN NG US—matagal na kasi tayong NASAKOP at wala naman tayong SOBERANIYA na pinangangalagaan.

Ebidensiya dito ay ang kawalang-silbi ng ating Konstitusyon na hindi ipinatutupad ng mga may kontrol sa gobyerno.

------30---


Posted at 10:21 am by cybertimes
Make a comment  

sugarol

(Bulgar newspaper, january 11 issue)

PINTAS ang nakamit ng Pilipinas mula sa pagiging HOST NG ASEAN SUMMIT.

Hindi sulit ang multi-bilyong pisong nilustay dito.


-----$$$--

NAGSABONG sa Pasay City cockpit si Manny Pacquiao matapos umalis sa Cardinal Santos Hospital.

Talagang sugarol.


-----$$$---

ISANG US soldier ang nakauwi sa New Jersey nang ligtas.

Pero, nang pauwi na siya sa kanilang bahay—ay bigla siyang natumbok ng isang kotse.

Tumilapon siya sa gilid pero muling nahagip ng isa pang behikulo kung saan natangay siya nang may kalahating kilometro.

Oooops salamat sa Diyos, buhay siya pero kritikal.

Suwerte-suwerte lang ang “BUHAY”.


-----$$---

DINEDMA ni Sen. Jinggoy ang pagkakasibak bilang pangulo ng Basketball Association of the Philippines (BAP).

Pumalag siya.

Diyan na matatapos ang ISTORYA NG BAP.


-----$$$---

DUMALO si Ate Glo sa necrological service sa yumaong Philippine Star publisher na si Max Soliven na mahigit ISANG BUWAN nang namatay noon pang Nobyembre.

Halos 40-araw nang “nakaburol” ang kanyang ABO.

Iyan ang mainam sa “cremation”--puwede kahit gaano katagal ang “necrological service”--basta't HUWAG LANG ITATAPAT SA ELECTRIC FAN ang lalagyan ng abo.

Baka kasi malunok ng mga politikong nagtatalumpati kapag nalipad ng hangin.


-----$$$--

NAG-RESIGN na si Tony Boy Cojuangco bilang chairman ng PLDT.

Kaya pala nag-balik showbiz na si Mareng Gretchen.


----$$$--

TUMODO na sa P48.66 ang palitan kada dolyar.

Nakikiramay po tayo sa mga OFWs na NABAWASAN nang malaki sa kanilang KITA.


-----$$$--

HINDI masawata ng mga awtoridad sa Vietnam ang pananaklot ng BIRD FLU.

Huhhh, delikado ang Palawan na nasa kabilang PAMPANG lamang ng dagat.

Isang mahabang lipad lang ito ng mga INFECTED WILD DUCKS.



-----$$$--

NAGPAPALAKAS na rin ng WAR ARMAMENTS ang Japan.

Aktuwal na preparasyon ito sa World War III.


-----$$$---

KAKAUNTI na lang daw ang bilang ng mga sanggol ang ipinapanganak sa Pilipinas.

Baka AYAW NANG MAG-ASAWA ng mga binata at dalaga.

Naniniwala kasi sila na ang “sanggol” ay isang PROBLEMA.

Lintekkkkkkk!


----30---



Posted at 10:20 am by cybertimes
Make a comment  

Jan 9, 2007
Dagdag suweldo

 (Bulgar newspaper, january 10 issue)

NAKAKALUNGKOT isipin na ginagamit na political issue ang “P125 a day legislative salary increase” imbes na seryosohin ng mga awtoridad ang pagdamay sa milyon-milyong obrero.

Pinagtibay ng mga kongresista ang naturang panukalang batas at ngayon ay inilipat na nila ang desisyon sa Senado.

Sa ngayon, nasa gitna ng “apoy” ang mga senador.

Kapag pinagtibay nila ang mataas na suweldo ng mga obrero, magagalit sa kanila ang mga multi-milyonaryong negosyante—at mapagkakaitan sila ng multi-million-peso campaign contributions.
Kapag ibinasura naman ng mga senador ang naturang batas—mawawalan sila ng milyon-milyong boto mula sa mga obrero.

Kuwarta o boto?

Kailangang manghiram ng utak ang mga senador kay Haring Solomon.

Pero, kahit naman pagtibayin nila ang salary increase—hindi pa naman ito magiging batas hangga't hindi nilalagdaan ni Ate Glo.

Kung gayon, kapag inaprubahan ng Senado ang P125 salary increase nang walang bawas—maililipat ang responsibilidad kay Ate Glo.

Kapag hindi niya nilagdaan at ibinasura—bahala siyang MAPAGHIGANTIHAN NG MGA BOTANTE.

Kapag ibinasura naman nang maaga ng mga senador ang panukalang batas—mistulang SINAGIP nila ang Malacanang sa kompromiso.

Sa ganyan sitwasyon, nasasapawan o naglalaho ang MERITO NG BATAS—kundi nakapokus ang isyu sa mismong mga “lawmakers” kaysa sa mga “beneficiaries”.

Kaaawa-awa talaga ang mga anak-pawis-- ginagamit at pinaglalaruan lang ng mga may kapangyarihan.

----30---



Posted at 10:18 am by cybertimes
Make a comment  

Ate Glo: May AIDS-HIV

(Bulgar newspaper, january 10 issue)


PINABORAN ng Ombudsman ang kasong graft na isinampa ni ex-Manila Rep. Mark Jimenez kay ex-Justice Secretary Nani Perez.

Siya ang original na INJUSTICE SECRETARY.


-----$$$---

ISIPIN mong nakakita ng malinaw na ebidensiya ang Ombudsman kaugnay ng $ 2 milyong kinotong ni Perez kay MJ.

May bendisyon kaya dito si Ate Glo?


-----$$$---

MALINAW din na may ebidensiya si ex-Bulacan Rep. Willie Villarama at MJ nang ibinunyag ng mga ito ang DAMBUHALANG GRAFT CASE.

Abangan natin ang susunod na kabanata ng “Two Million Dollar Man telenovela”.


-----$$$---

KABILANG sa ebidensiya kung “paano iniikot ang tseke” mula sa Hong Kong tungong Switzerland gamit ang iba't ibang tao.

At ang mismong “bank accounts” ang prima facie evidence.

Tsk, tsk, tsk!


----$$$---

MATAPOS umatras bilang kandidatong senador ang mga ayudante ni Ate Glo na sina Eduardo Ermita, Lito Atienza, Ace Barbers, Angelo Reyes—wala na ring balak kumandidato ang aktor na si Edu Manzano.

Ano ba yan, parang may AIDS-HIV virus ni Ate Glo—pinandidirihan maging ng mga KAPAMILYA.


-----$$$---

DATI-RATI kapos ng kandidato ang grupo ni Da King sa tiket ng mga senador.

Pero, ngayon doble- doble ang bilang.

Hindi kaya NAPAKA-AGA ng “PEAK” ng oposisyon?

Sa political analysis graph, matapos ang “peak”--papadausdos na ang linya.

Delikadong maka-strike uli ang “dehadong si Ate Glo”.


-----$$--

NAGKAKAINITAN naman ang Iran at US.

Haharangin ng Iranians ang mga barko na nagdaraan sa Strait of Hormuz.

Giyera-mundial yan.


-----$$$--

KINONTRA ang lagislated P125 dagdag na suweldo ng mga obrero dahil magsasarado raw ang maraming kompanya.

Dagdag na suweldo o walang suweldo –habang buhay?


-----$$--

NAOSPITAL pala si Pacquiao matapos makipag-inuman kay Morales.

Kwidaw!


----$$$---

SINIBAK bilang pangulo ng Basketball Association of the Philippines (BAP) si Sen. Jinggoy Estrada.

Isang klase ito ng PAMBABASTOS.


-----30--



Posted at 10:17 am by cybertimes
Make a comment  

Next Page