(Bulgar newspaper, jan. 23 issue)
NAMATAY sa isang car accident ang anak ni ex-Gov. Obet Pagdanganan ng Bulacan na si Raymond Pagdanganan, kumandidatong bise gobernador sa huling eleksiyon.
Nakikiramay po tayo!
----$$$---
NAHAHATI na ang mamamayan ng Iloilo.
Dahil sa SOBRANG pamumulitika ng PNP, DILG at Ombudsman.
----$$$---
BUNTIS na si Nene Tamayo ng Pinoy Big Brother.
Huhhh, wala po akong KINALAMAN dito.
----$$$---
NANGANAK na ang aktres na si Aleck Bovick.
Ooops, buti tinablan pa siya!
----$$$---
TSISMIS na rin lang ang pinag-uusapan, ituloy natin.
Isang ABS-CBN starlet ang “ALAGA” ngayon ng isang populist na NEGOSYANTE.
Morena ang babae na lalong gumanda nang gumanda nang MADIKIT sa PILANTROPO.
Kilala kaya siya ni Mareng Cristy Fermin?
-----$$$---
PINAGTAWANAN ni ex-Manila Rep. Mark Jimenez nang itaas ni Sen. Jinggoy ang kamay ni Sen. Ping Lacson.
Kasi raw ay isang “suspected plunderer” ang NAGTAAS ng kamay ng isang “suspected murderer”.
ONLI-IN-DA-PILIPINS.
-----$$$---
NAGTATAKA si MJ kung bakit hindi nahe-HEADLINE ang kanyang pamimigay ng 65,000 pakete ng Pampanga's tocino with matching Holy Rosary nang mamiyesta siya Sto Nino Festival sa Tondo noong Sabado at Linggo.
Isipin mong umabot ito sa P3.9 milyon!
Mas prayoridad daw ng mga diyaryo ang PAGBALIKTAD ng grupo ni Sen. Ralph Recto kaysa sa makadiyos at makataong aktibidad kaugnay ng PAGSAMBA sa Diyos.
-----$$$---
HINDI lang ang mahihirap na tao ang dumudumog kay Jimenez kundi pati mga kilalang politiko.
Naggigitgitan ang mga loko sa paghingi ng BENDISYON—at SOBRE!
------$$$----
HINDI naniniwala ang magulang at mga kapatid ni Khadffy Janjalani na napatay na ang kanilang BUNSO.
Antayin na lang ninyo na MAGMULTO.
----$$$---
ISINISISI kay INJUSTICE Sec. Raul Gonzalez ang kaguluhan sa Kapitolyo ng Iloilo.
Kasi naman ay tipikal siyang SI RAUL, SI RAUL! SI RAUL!
----$$$---
DARATING sa Maynila ang isang TOP ADVISER ni US Prez George Bush.
Para mag-ADVISE din kay Ate Glo.