BISTADO






cybertimes
Philippines
   

<< January 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Jan 9, 2007
Dagdag suweldo

 (Bulgar newspaper, january 10 issue)

NAKAKALUNGKOT isipin na ginagamit na political issue ang “P125 a day legislative salary increase” imbes na seryosohin ng mga awtoridad ang pagdamay sa milyon-milyong obrero.

Pinagtibay ng mga kongresista ang naturang panukalang batas at ngayon ay inilipat na nila ang desisyon sa Senado.

Sa ngayon, nasa gitna ng “apoy” ang mga senador.

Kapag pinagtibay nila ang mataas na suweldo ng mga obrero, magagalit sa kanila ang mga multi-milyonaryong negosyante—at mapagkakaitan sila ng multi-million-peso campaign contributions.
Kapag ibinasura naman ng mga senador ang naturang batas—mawawalan sila ng milyon-milyong boto mula sa mga obrero.

Kuwarta o boto?

Kailangang manghiram ng utak ang mga senador kay Haring Solomon.

Pero, kahit naman pagtibayin nila ang salary increase—hindi pa naman ito magiging batas hangga't hindi nilalagdaan ni Ate Glo.

Kung gayon, kapag inaprubahan ng Senado ang P125 salary increase nang walang bawas—maililipat ang responsibilidad kay Ate Glo.

Kapag hindi niya nilagdaan at ibinasura—bahala siyang MAPAGHIGANTIHAN NG MGA BOTANTE.

Kapag ibinasura naman nang maaga ng mga senador ang panukalang batas—mistulang SINAGIP nila ang Malacanang sa kompromiso.

Sa ganyan sitwasyon, nasasapawan o naglalaho ang MERITO NG BATAS—kundi nakapokus ang isyu sa mismong mga “lawmakers” kaysa sa mga “beneficiaries”.

Kaaawa-awa talaga ang mga anak-pawis-- ginagamit at pinaglalaruan lang ng mga may kapangyarihan.

----30---



Posted at 10:18 am by cybertimes

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry