Sunday, January 29, 2012
US TROOPS TO PHL: WELCOME WITH OPEN LEGS
US TROOPS TO PHL: WELCOME WITH OPEN LEGS
(BISTADO Column, Bulgar Newspaper, Jan, 12, 2012 issue, unedited)
MUKHANG MATATAPOS na ang political career ng anak nina Tita Cory at Sen. Ninoy. Kasi'y lantaran nang KUMAMPI si PNOY sa United States imbes na manatiling NEUTRAL sa US-CHINA conflict. Inilabas kasi sa OPISYAL na pabalita na "WELCOME" sa Malacanang ang pagpasok ng karagdagang bilang ng US TROOPS. Kumbaga, tinanggap natin ito "WITH OPEN LEGS". Nakakahiya.
-----$$$--
SA mga ulat kahapon, NAGBANTA ang China na BABAWASAN na ang ECONOMIC ACTIVITIES sa Pilipinas dahil nagpakita nan g TOTOONG KULAY ang Malacanang. Nagbanta rin ang CHINA na reresbak sila sa MASAMANG DESISYON ng Malacanang na pumabor sa US imbes na manahimik na lamang ito. Wala pang REAKSIYON ang Malacanang hinggil sa "warning" ng China.
-----$$$--
MALINAW na isang POLITICAL BLUNDER ito. Blunder ito sa international sa diplomacy. Blunder ito sa economic policy. Blunder ito sa PARTISAN politics. Blunder ito sa LIDERATO bilang AMA ng bansa.
-----$$$---
KAPAG iniatras ng China ay ang mga TRANSAKSIYON pang-EKONOMIYA sa Maynila, kayo na ang HUMULA at magbigay ng PREDIKSIYON. Hindi ba't LULUHOD sa lupa at mababali ang gulugod ng ating ekonomiya? Paano tayo MATUTULUNGAN ng isang NABABANGKAROTENG KANO. Tanging ang CHINA lamang ang SUPER POWER na may matatag na EKONOMIYA. Bilyong katao ng China ang POTENTIAL CONSUMERS n gating produkto. Ang CALL CENTER business na nagbibigay ng TRABAHO sa libo-libong PINOY—ay garapalang BINASTED at binabangkarote mismo ni US President Barrack Obama, pero bakit ang KANO pa ang kinampihan ng Malacanang? Ito ang "NUMBER ONE (1) BLUNDER" ni PNoy sa kanyang buhay". Ano ang ikalawang blunder ni PNoy? No. 2 blunder niya ang HINDI PAG-AASAWA.
------$$$--
MUKHANG bubuwenasin nang hindi sinasadya si CJ Renato Corona. Kasi'y KAPAG tinotoo ng CHINA ang RESBAK at pagboykot sa PILIPINAS—malilipat ang ISYU at PROPAGANDA laban kay PNoy. Mukhang tama ang TAKTIKA ng ADVISER ni Corona . Hindi na kailangang "resbakan ng kapwa propaganda" ang Malacanang. Manahimik na lang ang KAMPO ni CORONA—at mag-ANTAY ng SERYE ng mga BLUNDERS ni PNoy. Hummm, may katwiran.
(CC:bistado.blogspot.com/ bistado.blogdrive.com/ cybertimes.blogdrive.com/ editorsdiary.blogspot.com) posted by MY DIARY, EDITOR'S FILE at 1:06 AM 0 Comments: Post a Comment << Home
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Jan. 12, 2012 issue, unedited)
NANINIWALA tayo na dapat MAGLUKSA ang mga nagmamalasakit sa HUDIKATURA o mismo sa “kasagraduhan” ng Korte Suprema.
Nakababahala ang ulat na ipapa-SUBPOENA ng Impeachment Body ang lahat ng MAHISTRADO.
Isang KABASTUSAN ito, isang pambababoy, hindi lang sa mismong Kataas-taasang Hukuman kundi maging sa KONSTITUSYON,.
Batay mismo sa tekminolohiya at teknikalidad, mayroon pa bang su-SUPREME sa SUPREME COURT?
Kung ang mga mahistrado—ay magpapasailalim sa “IMPEACHMENT BODY”—nangangahulugan na HINDI “SUPREME’” ang “SUPREME COURT”.
Iyan ang dahilan, kung bakit hindi na tayo o ang “KOLUM NA ITO” (hindi po KULAM, kolum po) gagamit ng terminong IMPEACHMENT COURT—sapagkat isa tayo sa naniniwala na hindi “COURT” ang IMPEACHMENT BODY—bagkus ito ay isang MODIFIED GRAND JURY!
-----$$$--
MAHALAGANG mamarkahan ang IMPEACHMENT BODY—bilang GRAND JURY imbes na “Impeachment Court” dahil hindi kailanman sila dapat TUMAAS pa sa “SUPREME COURT”.
Pero kung ituturing ng mga SENADOR-JUROR na ang “Impeachment Body” ay isang GRAND JURY—maayos at mahinahon na maaaring DUMALO sa pagdinig ang mga MAHISTRADO.
Hindi BABABA o hindi masisira ang REPUTASYON at DIGNIDAD ng mga mahistrado na DUMALO sa isang “GRAND JURY”, pero sa isang “Impeachment Court”—ay hudyat ito at indikasyon ng PAGTALIKOD, pag-TRAYDOR sa SINUMPAANG tungkulin, sinumpaang larangan at yinakap na PROPESYON.
Mahirap na mai-IMAGINE—na SISIGAWAN ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang mga MAHISTRADO.
Walang “kapatawarang KABASTUSAN” ang sinumang SISIGAW sa sinuman sa mga MAHISTRADO.
Isipin ninyong mabuti at walang KUMONTRA sa deklarasyon ni Sen. Miriam: “AKO at mga kapwa ko senador-judges ay HARI at taning puwedeng TUMILI at MAGTATALAK sa bulwagang ito”.
Nakakatakot yan, sapagkat itinuturing ng “Impeachment JUROR” na sila ay si HARING SOLOMON.
------$$$--
PERO kung magpapakumbaba ang mga bumubuo ng IMPEACHMENT BODY—at tanggapin nila na sila ay hindi LEHITIMONG HUKUMAN , bagkus ay isang MODIFIED GRAND JURY—maiaayos ang lahat ng deliberasyon.
Ito ang dahilan kung bakit nagkakaletse-letse ang “proseso at prosidyur” sapagkat--- hindi sila SUMUSUNOD—sa teknikalidad ng “BATAS”—kung ano ang GUSTO nila, yung masusunod na “procedure at ruling”.
Kapag ipinagpatuloy ng IMPEACHMENT BODY—ang ganyang KALAKARAN, higit silang makapangyarihan at wala sila sa ilalim ng “SUPREME COURT”—saan sila pupulutin?
Kapag sobra-sobra ang KAPANGYARIHAN ng mga “INTERROGATORS”, anong klase ng hukuman ang impeachment body?
Dalawa lang yan:
Kung hindi sila maihalintulad sa “MILITARY COURT” o MILITARY JUNTA, sila ay maaaring bansagang isang KANGAROO COURT.
Huwag sana itong mangyari.
Malaking gulo yan.
Ipagdasal nating magkaroon ng “WISDOM” o karunungan at pagkaunawa ang mga SENADOR-JUROR.
Ang “wisdom” ay uusbong lamang mula sa isang PAGPAPAKUMBABA.
(Cc: bistado.blogdrive.com/ cybertimes.blogdrive.com/ bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com)
---30---
HALOS sapawan ng isyu ng pagbili ng pirated DVDs ni Sec. Ronald Llamas ang bangayan sa impeachment trial at kasong electoral sabotage.
Kumbaga, nagsilbing pamutat ito sa telenobelang Pinoy kung saan nakasalang sa paglilitis si Chief Justice Renato Corona; at kaso si Ate Glo.
Pinutakte ng media si Llamas na mistulang nakapatay ng isang katerbang sibilyan.
Natabunan ng populariad ni Llamas ang tunay na isyu sa piracy at kung bakit ito hindi maawat- awat.
Kasabay ng kontrobersiyal na aktuwal na video clip ng pagbili ng pirated products sa isang mall, nabahag naman ang buntot mismo ng US congress sa katulad ding isyu: Talamak na pagnanakaw ng intellectual property kung saan ang itinuturing na SALARIN ay ang mala-DRAGON na GOOGLE at WIKIPEDIA.
Sumuko at itinigil ng US Congress ang deliberasyon sa panukalang batas na “STOP ONLINE PIRACY ACT (SOPA) nang iparalisado, isarado at ITIKLOP ng GOOGLE at WIKIPEDIA nang sabay ang kanilang serbisyo sa INTERNET DATA RESOURCE ARCHIEVE.
Ang pagtameme ng US Congress ay hindi nagkalayo sa pahayag ni Optical Media Board (OMB) chief Ronnie Rickets na WALANG BATAS na nilalabag sa pagbili ng UNAUTHORIZED COPIES ng DVDs at CDs.
Namutla at nanggigil sa galit ang mga kritiko tulad din ng pagkapahiya ng mga mambabatas ng US nang sumuko sa BOYKOT ng Google at Wikipedia.
Sa totoo lang, hindi maawat ng sinumang pinakamakapangyarihang lider o gobyerno ang pagsi-SHARE, pagkopya, pag-download at aktuwal na PAMIMIRATA at PAGNANAKAW ng mga intellectual property sapagkat, ang SIBILISASYON ay naiwan sa pansitan ng super-bilis na pag-unlad ng TEKNOLOHIYA.
Sa Pilipinas, hindi maawat ang pagprodyus ng PIRATED DVDs sapagkat isinusuka ng milyon-milyong KONSIYUMER ang “sobrang taas ng presyo” ng LEHITIMONG KOPYA.
Sa 3-for-P100 na bentahan ng pirated DVDs ay malayo ang presyo ng mga suwapang na TRADERS ng “lehitimong kopya” na pumapalo sa mahigit P100 kada kopya o mahigit pang P200 komporme sa klase ng nilalaman.
Tinatangka kasi ng mga BUWAYANG multi-national manufacturers na DIKTAHAN ang lahat ng GOBYERNO upang magkamal ng libo-libong kita imbes na IBAGSAK ang presyo upang maabot ng masa.
Ang halaga ng “blank copy” ng DVD at CD ay aabot lang sa P2-P3, pero bakit ibinebenta ang “ORIGINAL COPY” sa mahigit P100 o mahigit pang P200 kapag bago ang “content”—sino ang nagkakamal ditto?
Ang isyu kay Llamas na minalas lang na makuhanan ng video clip, ay bumubuhay sa tunay na isyu ng TEKNOLOHIYA, EKONOMIYA, at POLITIKA.
Sa pagnanasang matikman ang modernisasyon sa PINAKATIPID na paraan ay napagitna siya sa maselan at matinding AWAY-POLITIKA—na sumapaw din sa masalimuot na TELENOBELA ng Impeachment Trial at Electoral Sabotage ni Ate Glo.
(Cc: bistado.blogdrive.com/cybertimes.blogdrive.com/bistado.blogspot.com/ editorsdiary.blogspot.com)
------30---
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, Jan. 28, 2012 issue, unedited)
PINAGI-INHIBIT o hiniling ng prosekusyon na magkusa na tumiwalag si Sen. Frank Drilon sa isinasagawang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona.
Siyempre, alam na ng marami ang sagot ng kaalyado ni PNoy na si Drilon.
Pero, sa totoo lang, tanging si Drilon lang ang makakasagot ng naturang isyu.
Sa aktuwal hindi talaga siya sa magbibitiw sa simpleng akusasyon na MAY KINAKAMPIHAN siya.
Kung magsusuri, hindi lang talaga si Drilon ang mahihinuhang MAY PINAPABORAN—sa magkabilang panig kundi maging ang iba pang senador.
Unfair yan.
Unfair dahil may “karapatan siyang maging UNFAIR” tulad din ng iba pang senador.
Kapag nagbitiw si Drilon, aba’y marami rin tiyak ang dapat magbitiw kasi’y mahaba pa ang pagdinig kung saan Article No.2 pa lamang ang pinag-uusapan.
Ang problema ay hindi ang pagiging “UNFAIR” ni Drilon kundi ang pagiging “UNFAIR ng mismong proseso” na tanging IDINIDIKTA lang ni Senate President Juan Ponce Enrile na umaaktong PRESIDING JUDGE o presiding juror.
Nagkaroon ng lisensiya o “prangkisa” si Enrile sa paglalatag ng PROSESO sa katwirang “isang kakaibang hukuman” ang tinatawag nilang Impeachment Court.
Sa legalidad, mas nahahawig ito sa BENCH TRIAL pero hindi naman lahat ng SENADOR—ay bihasang abogado o huwes sapagkat—HINDI SILA PUWEDENG I-OBJECT o kuwestiyunin na aktuwal na MGA HARI NG PAGLILITIS.
Pero ang ibang senador na hindi abogado ay hindi kuwalipikado sa isang BENCH TRIAL sapagkat kapos sila ng karanasan at kaalaman sa court proceedings kaya’t mas ANGKOP sila sa isang GRAND JURY—pero ayaw naman nila na “magpatawag” na JUROR.
Sa isang GRAND JURY, kapag may isang “juror” na pinagdududahan ay awtomatikong tinatanggal o nagkukusa na umalis “mula sa panel ng mga huhusga” –na malabong maganap sa impeachment trial.
Sa teknikal, mas angkop ang terminong IMPEACHMENT BODY—ang grupo ng mga senador na naatasan ng Konstitusyon na mangasiwa sa impeachment proceedings, hindi “traditional court” na nakasanayan natin sa Pilipinas at “hindi rin traditional jury” tulad sa ibang bansa.
Dahil sa malabong “postura, porma at hilatsa” ng impeachment body, madalas na nabubugnot, hindi lang si Sen. Miriam kundi maging si Sen. Enrile kaya’t hindi maiiwasan ang manghula ang iba:
HINDI matatapos ang impeachment proceedings dahil sa aktuwal, ibang klaseng “SPECIE” ito sa balat ng lupa.
Kumbaga, hindi ito isang HAYOP, pero hindi rin isang TAO!
----30----
(bISTADO column, Bulgar newspaper, jan. 28, 2012 issue, unedited)
INILABAS sa MEDIA na nahuli ng US authorities ang misis ni Sen. Lito Lapid na si Marissa dahil sa pagpu-PUSLIT ng $50,000 sa Las Vegas, Nevada, USA.
Nakapagtatakang NAKAPOKUS ang mga ulat sa “REGULASYON” ng US na nagbabawal ng ganoong karami at KALAKING HALAGA.
Pero, wala tayong narinig o PAGBUBUNYAG o BATIKOS mula sa malalaking MEDIA OUTFIT sa “RESPONSIBILIDAD” ng PHILIPPINE AUTHORITIES na nagbabantay sa airport—tulad sa IMMIGRATION at CUSTOMS officers.
Bakit?
Kung ano kasi ang ISUPALPAL na balita sa NEWS DESK—ay yun lamang ang IBINABALITA at hindi na sila NAGSUSURI—sa “LIKOD NG MGA BALITA”.
Ibig sabihin, kung nahuli si Mrs. Lapid pag-DAONG ng eroplano sa US—ibig sabihin, NAKALUSOT siya sa DEPARTURE AREA sa NAIA dala-dala ang isang BULTO NG DOLYARES!!
Bakit walang nagsusulong ng AGARANG imbestigasyon kung BAKIT NAKALUSOT sa DEPARTURE AREA—ang gayung kalaking HALAGA.
Sa totoo lang, BAWAL ang gayong kalaking halaga na ILABAS sa “teritoryo ng Pilipinas.
Bakit inakusahan si Mrs. Lapid na LUMABAG sa US law, pero hindi siya INAAKUSAHAN na lumabag sa Philippine law?
-----$$$--
GANYAN din ang nangyari kay ex-Rep. Ronald Singson.
Pagdating sa HONGKONG airport ay nasita siya at napatunayang LUMABAG sa pagdadala ng ILLEGAL DRUGS sa naturang bansa.
Pero sa PILIPINAS, ay wala siyang kaso.
Ibig bang sabihin ay ILLEGAL sa ibang bansa ang PAGDADALA ng illegal drugs pero sa NAIA at departure area ng PILIPINAS ay LEGAL?
Bakit walang KINASUHAN o iniimbestigahan na AIRPORT officials sa kaso ni Singson?
Ngayon, sabit sa kaso si Mrs. LAPID, bakit walang SINISIYASAT na AIRPORT personnel na “nangasiwa o responsible” sa “departure’ ng misis ni Leon Guerero?
Bakit TAMEME ang media?
Bakit ang kanilang ULAT ay nakapokus sa US, at hindi sa PILIPINAS?
Nakapagtataka yan.
----$$$--
LUMALABAS ngayon na ang ILLEGAL sa ibang bansa—ay legal sa Pilipinas.
Illegal sa ibang bansa ang UNREGULATED DRUGS at DOLLAR SALTING, pero sa PILIPINAS—ay hindi ito LABAG sa batas.
Illegal sa ibang bansa ang PIRATED CD, pero sa Maynila ay ipino-PROMOTE pa ito ng GABINETE na nakatambay sa Malacanang.
He, he, he.
---30—
INUPAKAN ng isang senador ang sistemang ipinaiiral ng
Philippine Airlines (PAL) sa contractualization na siyang sanhi ng paglipat ng
maraming piloto sa ibang airlines nalantarang paglabag sa batas
paggawa.
“Sinasalamin ng mass resignation ng mga piloto ng
Philippine Airlines (PAL) ang poor labor law at ang kakulangan nito sa
pagbibigay proteksyon sa mga manggagawa,” wika ni Sen. Ramon Revilla Jr.
Binigyang halimbawa niya ang pahayag ng mga piloto na
wala silang security of tenure at ang plano ng PAL na contractualization sa mga
empleyado.
Sa ilalim ng labor-only contractualization, ang mga
mga manggagawa ay pinagtatrabaho lamang sa loob ng tatlo hanggang anim na
buwan. Walang benepisyo at pribilehiyo na ibinibigay sa kanila.
Pinuna ni Bong Revilla ang mga labor officials dahil sa
pagiging maluwag ng mga ito sa mga kumpanya na nagpa-practice ng
contractualization.
Noong 1997, nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng
department order na pinapahintulutan ang contracting and subcontracting
arrangements upang lalong mapaigting ang operasyon ng mga business.
“Dapat na ipawalang bisa ng mga labor official ang department orders
dahil ito ay labag sa batas at tinatanggalan ng proteksyon ang mga manggagawa,”
dagdag pa ni Revilla.
INUPAKAN ng isang senador ang sistemang ipinaiiral ng
Philippine Airlines (PAL) sa contractualization na siyang sanhi ng paglipat ng
maraming piloto sa ibang airlines nalantarang paglabag sa batas
paggawa.
“Sinasalamin ng mass resignation ng mga piloto ng
Philippine Airlines (PAL) ang poor labor law at ang kakulangan nito sa
pagbibigay proteksyon sa mga manggagawa,” wika ni Sen. Ramon Revilla Jr.
Binigyang halimbawa niya ang pahayag ng mga piloto na
wala silang security of tenure at ang plano ng PAL na contractualization sa mga
empleyado.
Sa ilalim ng labor-only contractualization, ang mga
mga manggagawa ay pinagtatrabaho lamang sa loob ng tatlo hanggang anim na
buwan. Walang benepisyo at pribilehiyo na ibinibigay sa kanila.
Pinuna ni Bong Revilla ang mga labor officials dahil sa
pagiging maluwag ng mga ito sa mga kumpanya na nagpa-practice ng
contractualization.
Noong 1997, nagpalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng
department order na pinapahintulutan ang contracting and subcontracting
arrangements upang lalong mapaigting ang operasyon ng mga business.
“Dapat na ipawalang bisa ng mga labor official ang department orders
dahil ito ay labag sa batas at tinatanggalan ng proteksyon ang mga manggagawa,”
dagdag pa ni Revilla.
LUMOLOBO ang bilang ng mga palpak na nursing school sa buong bansa na siyang nagpapabagsak sa kalidad ng edukasyon kaya't nararapat nang baguhin ang sistema sa ganitong larangan, ayon kay Sen. Edgardo Angara
Ayon kay Angara, chairman ng senate committee on education, umaabot lamang sa 77 mula sa 466 na eskuwelahan na nagtuturo ng nursing ang akredito ng pamahalaan na siyang lubhang nagpapabagsak sa kalidad ng mga estudyanteng nagtatapos dito.
"Kaya't inatasan natin ang health panel ng Congressional Commission on Science, Technology and Engineering (COMSTE) na humanap ng pamamaraan upang maresolbahan ang problemang kinahaharap ng propesyon," ayon kay Angara.
Natuklasan pa ni Angara sa ulat ng COMSTE na mula sa 189 nursing schools sa bansa noong 1998, lomobo ito sa 424 nitong 2006.
Iprinisinta naman ni Dr. Marilyn Lorenzo, isang propesor mula sa National Institutes of Health (NIH) kay Angara at sa mga miyembro ng COMSTE ang mga datos ng NLE passing rate mula 2005 hanggang 2009 na aniya'y patuloy sa pagsadsad. Mula 51.6% na pagbaba ay mas lalo pa itong bumagsak sa 40.7% passing rate.
Dahil dito, nanawagan si Angara sa kinauukulang ahensya ng gobyerno na tulungang buhayin at iangat ang kalidad ng nursing education sa bansa at aksyunan ang patuloy na pag-apaw sa bilang ng mga nursing graduate.
Biyahe ng Maguindanao massacre
suspects sa crame diskaril
PINABULAANAN ng Korte Suprema kahapon
ang napabalitang pagpayag nito na mailipat ang ilang pulis na sangkot sa
Maguinadanao Massacre mula sa kanilang kulungan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig
City patungong Camp Crame sa Quezon City.
Nilinaw ni Court Administrator Atty. Midas
Marquez na walangganoong klaseng kautusan ang SC bilang tugon sa pormal na kahilingan mula sa
mga tanggapan nina Philippine National Police (PNP) Deputy Director General for
Administration Jefferson Soriano at Justice Secretary Leila De Lima.
Sinabi pa ni Marquez na tanging ang Quezon City Regional Trial Court 221 lamang
ang may hurisdiksyon sa kasong ito, kaya ito lamang ang maaaring magrekomenda
kung ano ang nararapat na gawin sa mga akusadong pulis na sangkot sa
Maguindanao Masaker.
Kamakailan ay napaulat na ilan sa mga pulis na tinuturong may kaugnayan sa
nabanggit na masaker ay hina-harass at tinatakot ng pamilya Ampatuan na
nakakulong din sa parehong kulungan sa Camp Bagong Diwa.
Sa kahilingang ipinadala ng tanggapan ni DOJ Secretary De Lima sa Supreme
Court, nakasaad dito na may mga tangkang panunuhol sa mga detinidong pulis
upang baguhin ng mga ito ang kanilang simumpaang salaysay na nag-uugnay sa
pamilya Ampatuan sa nangyaring karumal-dumal na krimen.